Umabot na sa 344 ang bilang ng mga nasawi matapos bumaha at mabulabog ng malalakas na monsoon rains ang hilagang bahagi ng Pakistan nitong mga nakaraang araw. Maraming komunidad, lalo na sa lalawigan ng Khyber Pakhtunkhwa, ang nawalan ng tirahan nang wasakin ng tubig at lupa ang mga bahay at kalsada.
Sa Buner district, na itinuturing na epicenter ng kalamidad, daan-daang pamilya ang nawalan ng bahay dahil sa biglaang cloudburst at landslide. Hindi pa natatapos ang bilang ng nawawala, habang patuloy ang pagsisikap ng mga rescuer upang makapagligtas sa gitna ng patuloy na pagbuhos ng ulan at nagiging delikadong lagay ng panahon.
Mahigit 40 katao, nawawala sa paglubog ng bangka sa Nigeria
67 katao, inaresto bunsod ng illegal alcohol production matapos masawi ang 23 katao sa Kuwait
Mahigit 600 flights ng Air Canada kanselado dahil sa malawakang welga ng mga flight attendant
Russian President Vladimir Putin, naniniwalang sinsero ang mga hakbang ng US para matapos na ang giyera sa Ukraine
Nagdeklara ng “state of emergency” ang lokal na pamahalaan sa Buner at isinasagawa ang malawakang rescue operations. Sa kasamaang-palad, nagkaroon din ng trahedya ang pagbagsak ng isang helikopter na ginagamit sa relief operations—limang miyembro ng crew ang patay dito.
May mga evacuation centers nang itinayo para sa mga pamilyang hirap nang makaalis ng kanilang mga bahay. Matatandaang libu-libong turista rin ang nailikas mula sa matatarik at delikadong daanan dahil sa patuloy na panganib.
Ayon sa mga eksperto, may malaking epekto ang climate change sa lalim ng pinsala. May mga pag-aaral na nagsasabing 10–15% na mas mabigat ang ulan ngayong taon kumpara sa dati dahil sa global warming, na nagpalala sa epekto ng monsoon sa mga bulubunduking lugar.
Ang dami ng ulan ay mas malakas kaysa sa mga nakaraang taon, habang ang imprastraktura at konstruksiyon sa mga bulubunduking lugar ay hindi handa para sa ganitong bigat ng kalamidad.