AABOT sa 1,639 families o 6,284 individuals ang nanunuluyan sa iba’t ibang Evacuation Centers sa Eastern Visayas, sa nagpapatuloy na banta ng Bagyong Tino.
Sa Situation Report ng PNP Eastern Visayas, as of 12:51 P.M. kahapon, mayorya ng mga evacuee ay mula sa lalawigan ng Biliran na nasa 1,448 families o 5,289 individuals.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Ang mga ito ay mula sa mga bayan ng Maripipi, Cabucgayan, Kawayan, Culaba, Caibiran, at Provincial Capital na Naval.
Sa Southern Leyte, partikular sa Padre Burgos, 103 families o 347 individuals ang nasa Evacuation Centers, habang sa Eastern Samar ay 88 families na binubuo ng 648 individuals mula sa Guiuan ang inilikas.
Sinabi ng PNP-8 na kabuuang 2,757 Evacuation Centers ang inihanda sa Eastern Visayas bilang paghahanda sa epekto ng bagyo.
Hanggang kahapon ay labing apat mula sa mga naturang pasilidad ang okupado.
Walo rito ay sa Biliran, tatlo sa Southern Leyte, at tatlo rin sa Eastern Samar.
