AABOT sa 121,331 Family Food Packs (FFPs) ang inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa posibleng pananalasa ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas.
Sinabi ni DSWD Region 8 Information Officer Jonalyndie Chua na patuloy ang kanilang pagre-replenish ng Stocks bilang paghahanda sa epekto ng bagyo.
ALSO READ:
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Tiniyak din ni Chua na palaging handang tumugon ang DSWD at binabantayan nila ang sitwasyon habang nakikipag-ugnayan sa apektadong Local Government Units. Idinagdag ng DSWD Official na sa pamamagitan ng Stock ng Food Supplies at Non-Food Items, ay mapabibilis ang pagde-deliver ng Relief Goods, sakaling magkaroon ng matinding pagbaha at iba pang kalamidad.
