NAGLABAS ang Department of Justice (DOJ) ng mga Subpoena laban sa respondents sa mga reklamong kinasasangkutan ng limang Ghost Flood Control Projects sa Bulacan.
Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon, para ito sa isasagawang Preliminary Investigation na sisimulan sa Nov. 10, o sa susunod na Lunes.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinegundahan ito ni DOJ Officer-In-Charge Fredderick Vida, sa pagsasabing ilan sa mga Subpoena ay personal na isinilbi noong nakaraang Linggo.
Una nang inihain ng kagawaran ang kanilang rekomendasyon na sampahan ng Graft, Malversation, Perjury, at Falsification of Public Documents Charges ang mga opisyal ng Bulacan First District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Office of the Ombudsman.
Kinalaunan ay ibinalik ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang Information laban sa respondents at inatasan ang DOJ para sa Prosecution, kabilang na ang pagsasagawa ng Preliminary Investigation at pagsasampa ng mga kaso.
Matatandaang sinabi ni Justice Spokesperson Polo Martinez na target ng DOJ na tapusin ang Preliminary Investigation sa loob ng isang buwan.
