ISINARA ng Lithuania ang kanilang Border sa Belarus kasunod ng paulit-ulit na paglabag sa kanilang Airspace.
Sinabi ni Prime Minister Inga Ruginiene na dose-dosenang Helium Balloons ang pumasok sa Airspace ng Lithuania mula sa Belarus nitong mga nakalipas na araw.
Sa post sa X, inihayag ng Lithuanian prime minister sinusubukan muli ng Autocrats ang katatagan ng European Union at NATO laban sa Hybrid Threats.
Kasabay ito ng panawagan na para sa nagkakaisa at matatag na tugon laban sa Airspace Violations. Idinagdag ng prime minister na ipatutupad ng kanilang Armed Forces ang lahat ng kinakailangang hakbang para pabagsakin ang mga lobo, senyales na handa silang ipaglaban ang kanilang teritoryo.




