LIBO-libong Israelis ang sumugod sa mga kalsada mula sa Tel Aviv hanggang Southern Israeli City na Eilat, para sa isa sa pinakamalaking nationwide protest simula nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Israel at Grupong Hamas.
Layunin ng kilos-protesta na i-pressure si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na mag-secure ng ceasefire deal para sa mga hostage ng teroristang grupo sa Gaza.
ALSO READ:
Israel, muling umatake sa Gaza matapos akusahan ang Hamas na lumabag sa Ceasefire; 20 katao, patay!
Lithuania, isinara ang Border sa Belarus kasunod ng paglabag sa kanilang Airspace
Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza
US President Donald Trump, nakisayaw sa mga performer nang dumating sa Kuala Lumpur
Umabot sa sukdulan ang galit ng mga Israeli kasunod ng pag-rekober sa mga bangkay ng anim na bihag mula sa isang underground tunnel sa Rafah.
Sa resulta ng autopsy, malapitang binaril ang mga bihag, ilang sandali bago dumating ang Israeli Forces sa kanilang kinaroroonan sa Southern Gaza.
