15 February 2025
Calbayog City
Business

Pilipinas, binawi na ang ban sa pag-i-import ng mga ibon at poultry products mula sa California at South Dakota

INALIS na ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa importasyon ng domestic, wild birds, at poultry products mula sa Californa at South Dakota sa Amerika.

Sa Memorandum Order No. 37 na nilagdaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel pinayagan na muli ang pag-a-angkat ng mga naturang hayop at produkto mula sa dalawang estado sa US.

Ang pagbawi sa importation ban ay ipinag-utos makaraang wala nang nai-report na anumang bagong outbreak ng avian influenza simula noong Hunyo at Mayo ngayong taon.

Ipinatupad ang temporary ban sa birds at poultry products mula sa California noong Enero habang Nobyembre naman ng nakaraang taon nang ipagbawal ang importasyon mula sa South Dakota.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).