INIURONG ang inaabangang showdown sa pagitan ng Akari Chargers at Creamline Cool Smashers para sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforces Conference Finals, bukas, Sept. 4, bunsod ng masamang panahon dulot ng Bagyong Enteng.
Isasabay din sa naturang araw ang bronze medal match sa pagitan naman ng PLDT at Cignal, bago ang championship game.
Gaganapin ang mga laro sa Philsports Arena sa Pasig City.
Orihinal na naka-schedule ang mga game kahapon, Sept. 2, sa Araneta Coliseum sa Quezon City. Binaha ang ilang bahagi ng Metro Manila kahapon bunsod ng malalakas na pag-ulan dala ng Bagyong Enteng.