22 April 2025
Calbayog City
Entertainment

2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, handang sumabak sa aktingan sa ‘Batang Quiapo’

GAME si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na magkaroon ng cameo role sa hit television series na “Batang Quiapo.”

Sa panayam, sinabi ng Pinoy gymnast na payag siya na mag-guest sa teleserye, kung iimbitahan siya ni Coco Martin, kahit wala siyang karanasan sa pag-arte.

Inihayag ng golden boy na kahit isang shooting day lang ay game na game siya, at bahala na si Direk Coco sa magiging role niya. Samantala, nag-guest naman ang girlfriend ni Caloy na si Chloe San Jose sa “ASAP Natin ‘To” noong linggo, kung saan pinainit nito ang hapon sa kanyang sexy performance ng “Havana” ni Camila Cabello.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).