Pinag-iingat ng Department of Transportation ang publiko sa mga nagpapanggap na opisyal o kawani ng ahensya at nagso-solicit ng pera o humihingi ng pabor.
Nakarating kasi sa DOTr na may mga hindi otorisadong grupo ang nagpapanggap na tag-DOTr sila at nanghihingi ng pabor o pera sa kanilang target victims.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Ayon sa ahensya, wala itong inootorisa na sinuman o anumang grupo para mag-solicit ng pera.
Paalala ng DOTr sa publiko, huwag makipagtransaksyon sa mga scammers at kung mayroon silang concern ay idirekta ito dapat mismo sa ahensya.
Kung mayroong nabiktima, pinapayuhan silang makipag-ugnayan sa DOTr para makapagkasa ng imbestigasyon at magawa ang karampatang aksyon.
