Naniniwala si dating Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na humina ang Office of the Ombudsman noong panahon ni dating Ombudsman Samuel Martires.
Ayon kay Lacierda, baluktot kasi ang pag-unawa ni Martires sa tungkulin ng Ombudsman at naging tagapagtanggol ito ng mga opisyal ng gobyerno, sa halip na maging tagapagbantay ng taumbayan.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Positibo naman ang pagtingin ni Lacierda sa mga ginagawang hakbang ngayon ni Ombudsman Boying Remulla para maibalik ang dangal sa tanggapan.
Ayon sa dating presidential spokesperson, kung tunay ang layunin ni Remulla na tuparin ang diwa ng Konstitusyon, ito ay isang hakbang na dapat ikatuwa ng taumbayan.
Kung nasayang aniya ang mga taon noon sa Office of the Ombudsman, ngayon ay handa ang pamunuan nito na maging isang “Bantay Bayan” na handang harapin ang korapsyon.
