Nanumpa na sa pwesto si dating Presidential Anti-Organized Crime Commission Executive Director Gilbert Cruz bilang bagong Administrator III ng Office for Transportation Security.
Pinangunahan ni DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez ang panunumpa sa tungkulin ni Cruz.
Si Cruz ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang bagong opisyal ng OTS sa ilalim ng DOTr.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Nagpahayag naman ng tiwala si Lopez sa kakayahan ni Cruz para pamunuan ang OTS.
Pangunahing utos ng pangulo sa OTS ang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero lalo na ngayong malapit na ang Undas at ang Holiday season.
