NANOOD sa courtside na gaya ng isang fan si NBA Supertar Lebron James sa arena kung saan siya sumikat.
Sa kanyang postseason nitong mga nakalipas na linggo, umuwi ng Ohio si James at nanood ng playoff game sa pagitan ng Cavaliers at Boston Celtics.
Dumating si James sa Rocket Mortgage Fieldhouse nang magsimula ang laro at naupo sa tapat ng bench ng Boston katabi ang kanyang asawa na si Savannah at agent na si Rich Paul.
Sa isang timeout sa first quarter, tinanggap ni James ng pagbubunyi ng mga fans nang ipakita siya sa giant scoreboard.
Umalis ang NBA Superstar sa closing minutes kung saan nanalo ang Celtics sa score na 109-102 para sa 3-1 lead ng series.