INAASAHANG matatapos ngayong taon ang isinasagawang pag-aaral na tutukoy sa viability ng pagtatayo ng Manila Bay-Pasig River-Laguna Lake Ferry (MAPALLAF) System Project.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Leonel De Velez, nakikipag-ugnayan ang DOTr sa Public-Private Partnership (PPP) Center para sa itatayong proyekto.
Ang panukalang MAPALLAF ay isang high-capacity, high-frequency, at low carbon ferry system na magko-konekta sa Manila Bay at Laguna Lake sa pamamagitan ng Pasig River.
Sa sandaling makumpleto ang pag-aaral, sinabi ng Transportation Official na sasailalim ang panukalang proyekto sa serye ng government approvals bago ito ipa-kontrata sa isang private partner.