APRUB kay Gerald Anderson ang reunion movie ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto sa ex-boyfriend ng aktres na si Joshua Garcia.
Sa interview, sinabi ng aktor na ang reunion movie nina Julia at Joshua, ay tiyak na magdadala ng tuwa at saya sa mga loyal fans ng “Josh-Lia.”
ALSO READ:
Lea Salonga, inaming hiwalay na sila ng mister na si Robert Chien
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Idinagdag ni Gerald na parehong magaling na artista ang dalawa kaya naman tiwala siya sa kalidad ng naturang proyekto.
Nakatakdang magsama ang dating magkasintahan sa pelikulang “un/happy for you” na ipalalabas sa mga sinehan ngayong taon.
