HINDI bababa sa lima ang patay matapos bumagsak ang Mexican navy plane sa gitna ng foggy conditions, malapit sa Galveston sa Texas.
Nangyari ang trahedya habang ibina-biyahe ang isang batang nagtamo ng severe burns.
Ang aircraft na bahagi ng medical mission, ay huling nai-record sa Galveston Bay, malapit sa Scholes International Airport.
Ayon sa navy secretariat sa Mexico, isang indibidwal ang nawawala habang dalawa ang nailigtas.




