ISAANDAAN at apat na katao, kabilang ang apatnapu’t tatlong mga bata ang nasawi sa multiple drone attacks sa Kordofan Region sa Sudan, simula noong Dec.4, ayon sa UN Human Rights Office.
Sinabi ni United Nations High Commissioner for Human Rights Volker Turk, na naalarma siya na umiigting na sagupaan sa pagitan ng Sudanese army, Rapid Support Forces at Sudan People’s Liberation Movement.
Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Turk, kung sino ang responsable sa drone strikes, na aniya ay tumana sa mga ospital, isang kindergarten, at isang UN Base.




