Hindi makakasama sina June Mar Fajardo at AJ Edu sa opening game ng Gilas Pilipinas sa first window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers na itinakda ngayong linggo bunsod ng injuries.
Si Fajardo ay nagpapagaling pa sa calf injury na natamo nito sa best-of-seven finals series ng San Miguel laban sa Magnolia sa PBA Commissioner’s Cup.
Ang nakababatang si Edu naman ay mayroong meniscus injury kaya hindi rin muna ito pinaglaro sa Japanese B. League sa ilalim ng Toyama Grouses.
Kailangang magpahinga ni Fajardo ng dalawang linggo habang si Edu ay posibleng hindi makapaglaro ng isa o dalawang buwan.