DALAWAMPU’T lima ang nasawi sa sunog sa isang sikat na nightclub sa Coastal Region ng Goa sa India.
Karamihan sa mga biktima ay pinaniniwalaang staff sa Birch by Romeo Lane Nightclub, na matatagpuan malapit sa isang sikat na beach.
ALSO READ:
Kabilang din sa mga nasawi sa trahedya ang ilang turista.
Naniniwala ang mga awtoridad na isang tangke ng gas ang sumabog sa kusina, na naging sanhi ng sunog.
Inaresto naman ang manager ng nightclub habang inisyuhan ng arrest warrant ang may-ari.




