BUMAGSAK ng halos 50% ang inaprubahang Foreign Investment Pledges noong third quarter.
Kasunod ito ng sentimyento ng investors bunsod ng corruption scandal na kinasasangkutan ng infrastructure projects.
Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng 48.7% o sa 73.68 billion pesos ang halaga ng Foreign Commitments na inaprubahan ng Investment Promotion Agencies (IPAs), simula Hulyo hanggang Setyembre.
Mula ito sa 143.74 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Gayunman, ito ang pinakamataas na halaga ng Investment Pledges simula noong ikatlong quarter ng 2024. Ang Singapore ang top source ng Foreign Investment Pledges noong third quarter na may 20.26 billion pesos, sumunod ang Japan at Cayman Islands.




