UMAKYAT na sa labing isa ang death toll mula sa lansdlide na tumama sa Central Java Province sa Indonesia.
Ayon sa Search and Rescue Office sa Cilacap, labing dalawang iba pa ang patuloy na pinaghahanap kasunod ng trahedya.
Sa rescue operation kahapon, daan-daang personnel at iba’t ibang heavy machines, kabilang ang excavators, ang idineploy. Una nang iniulat ng National Disaster Mitigation Agency ng Indonesia noong Biyernes na dalawampu katao ang nawawala habang tatlo ang kumpirmadong patay kasunod ng landslide sa Calicap noong Huwebes.




