BINAWI ng Office of the Ombudsman ang dapat sana’y anim na buwang preventive suspension na ipinataw sa pitumpu’t dalawa pang personnel ng National Food Authority (NFA) na iniugnay sa umano’y iligal na pagbebenta ng rice buffer stocks sa mga piling trader.
Batay sa dalawampu’t tatlong pahinang desisyon, ipinag-utos ng Ombudsman na ibalik sa kani-kanilang posisyon ang mga empleyado na pawang warehouse supervisors mula sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Binigyang diin ng anti-graft body na hindi na kailangang ipatupad ang suspensyon laban sa mga empleyado, dahil nakuha na nila ang lahat ng mga dokumento at ebidensya na may kinalaman sa kaso.
Una nang binawi ng Ombudsman ang suspensyon sa 23 NFA personnel makaraang madiskubre ng mga imbestigador ang maling datos na isinumite sa kanilang listahan ng Department of Agriculture na umano’y galing sa NFA.
141 NFA Officials at Personnel ang kabuuang sinuspinde ng Ombudsman noong Marso, kabilang sina Administrator Roderico Bioco at Assistant Administrator for Operations John Robert Hermano, bilang bahagi ng imbestigasyon.
