25 April 2025
Calbayog City
National

Pagdaraos ng Saturday Classes, pinag-aaralan ng DepEd

Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) na magpatupad ng ilang Saturday Classes para ipang-bawi sa mababawas na bilang ng school days, kapag ibinalik na ang dating school calendar sa susunod na school year.

Sa hearing ng House  Committee on Basic Education and Culture, sinabi ni DepEd Director for Curriculum and Instruction-Bureau of Learning Delivery Leila Areola, na plano ng ahensya na simulan ang  school year 2024-2025 sa July 29 at tapusin ng March 31 sa susunod na taon.

Samantala, ang school year 2025-2026 ay plano namang simulan sa Hunyo ng susunod na taon.

Dahil sa adjustment, inihayag ni Areola na ang minimum na  bilang ng school days ay magiging 163 na lamang mula sa kasalukuyang 180, kaya naman ikinu-konsidera nila ang posibilidad na magdaos ng klase sa loob ng ilang sabado.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *