22 April 2025
Calbayog City
National

Pagdating ng La Niña, pinaghahandaan na ng Task Force

INATASAN ni Defense Secretary Gilberto Teodoro  Jr. ang lahat ng  departamento at mga ahensya  na nasa ilalim ng Task Force El Niño na simulan na ang paghahanda para sa La Niña  Phenomenon.

Tinukoy ni Teodoro, Chairman ng Presidential Task  Force on El Niño Response ang bulletin ng PAGASA na made-develop ang La Niña sa pagitan ng Hunyo hanggang Agosto.

Binigyang diin ng kalihim ang report ng PAGASA na humihina na ang El Niño, bagaman magpapatuloy pa rin ang pag-iral ng mainit at  maalinsangang panahon. Idinagdag ni Teodoro na dapat nang simulan ang paghahanda  sa pagdating ng La Niña na inaasahang magdadala ng sobra-sobrang pag-ulan sa bansa, upang mabawasan ang pinsalang maaring idulot nito  sa mga buhay at ari-arian.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *