27 April 2025
Calbayog City
National

Jeepney Drivers at Operators, muling nangalampag sa Korte Suprema para sa hirit na TRO laban sa PUV Modernization

NANGALAMPAG muli ang mga tsuper at operator ng jeepney sa korte suprema, dalawang araw bago simulan ng pamahalaan ang panghuhuli ng mga colorum na Public Utility Vehicles (PUVs). 

Sa isinagawang protest rally, kahapon, nanawagan si Manibela Chairperson Mar Valbuena sa kataas-taasang hukuman na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa PUV Modernization Program at magtakda ng oral arguments upang marinig ang kani-kanilang panig. 

Apela ni Valbuena sa korte suprema, huwag magbingi-bingihan at magbulag-bulagan, at pagtuunan ng pansin ang higit na nakararami. 

Sa huwebes, May 16, ay sisimulan na ng gobyerno ang panghuhuli sa mga PUV na hindi nagpa-consolidate, dahil maituturing na silang colorum.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *