SIYAMNAPU’T walong Palestinians ang namatay habang nasa kustodiya ng Israel simula noong October 2023.
Gayunman, posibleng mas malaki pa ang bilang dahil marami sa mga ikinulong sa Gaza ang nawawala, batay sa bagong report mula sa Israel-Based Human Rights Group.
ALSO READ:
2, patay sa pag-atake ng armadong kalalakihan sa simbahan sa Nigeria; pastor at ilang deboto, dinukot!
Halos 20 patay, mahigit 60 sugatan sa panibagong pag-atake ng Russia sa Ukraine
Pinatalsik na prime minister ng Bangladesh, sinentensyahan ng kamatayan bunsod ng pagsawata sa mga estudyante
11 patay, 12 nawawala kasunod ng landslide sa Central Java sa Indonesia
Ayon sa Physicians for Human Rights-Israel (PHRI), nasawi ang mga Palestino mula sa physical violence at medical neglect.
Natuklasan ng PHRI na 46 Palestinians ang binawian ng buhay habang nasa kustodiya ng Israel Prison Service, simula nang sumiklab ang digmaan. Limampu’t pitong Palestino rin na pawang mula sa Gaza, ang nasawi habang nasa kustodiya ng Israeli military.
