NAKALIKHA ang Integrated Resort-Casinos ng halos isandaang bilyong pisong Gross Gaming Revenues (GGR) sa unang anim na buwan ng 2025, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Sinabi ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco, na mula sa 93.36 billion pesos na na-generate ng Integrated Resort-Casinos, 16 billion pesos ay ibinayad sa PAGCOR bilang License Fees, pang matiyak ang pondo para sa Government Social Services at makatulong sa paglago ng ekonomiya.
Inihayag din ni Tengco na nalikhang Revenue ng Resort-Casinos ay katumbas ng halos kalahati ng Total GGR ng Local Gaming Industry na 215 billion pesos mula Enero hanggang Hunyo.
Idinagdag ng PAGCOR chief na bukod sa kontribusyon sa Government Revenues, nakatulong din ang Integrated Resort-Casinos sa posisyon ng Pilipinas bilang Competitive Tourism Destination.




