SUMIKLAB ang sagupaan sa pagitan ng Thailand at Cambodia sa pinag-aagawang teritoryo sa kanilang border, kahapon ng madaling araw, ayon sa militar ng dalawang bansa.
Sa statement, sinabi ng Thai Military na unang nagpaputok ang Cambodia sa lugar malapit sa pinag-aagawang Ta Moan Thom Temple.
Pinatalsik na prime minister ng Bangladesh, sinentensyahan ng kamatayan bunsod ng pagsawata sa mga estudyante
11 patay, 12 nawawala kasunod ng landslide sa Central Java sa Indonesia
Mga Pinoy sa Northern Japan pinag-iingat sa wild bear attacks
Colombian Military, binomba ang hinihinalang kampo ng mga rebelde; 19, patay!
Nag-deploy umano ang Cambodia ng Surveillance Drone bago nagpadala ng tropa na armado ng heavy weapons sa lugar.
Inihayag naman ng tagapagsalita ng Defense Ministry ng Cambodia na nagkaroon ng Unprovoked Incursion ang Thai Troops at tumugon lamang ang Cambodian Forces bilang Self-Defense.
Nangyari ang sagupaan matapos i-recall ng Thailand ang kanilang Ambassador sa Cambodia, noong Miyerkules, at nagbantang patatalsikin ang Envoy ng Cambodia sa Bangkok.
Nag-ugat ang hidwaan matapos maputulan ng binti ang isang Thai soldier makaraang masabugan ng landmine sa pinagtatalunang teritoryo.
