NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng 498 million dollars ng Net Inflows ng Foreign Direct Investments noong Marso.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mas mababa ito ng 27.8 percent kumpara sa 689 million dollars na naitala sa noong April 2024.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Sinabi ng BSP na bunsod ito ng pagbagsak ng Nonresidents’ Net Investment in Debt Instrument ng 31.6 percent o sa 329 million dollars mula sa 481 million dollars, sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Bumagsak din ang Nonresidents’ Net Investment in Equity Capital ng 27.4 percent o sa 102 million dollars, at Reinvestment of Earnings na bumaba rin ng 1.2 percent o sa 66 million dollars.
