PANSAMANTALANG nag-deploy ang US military ng nasa pintundaang marines sa Los Angeles habang hinihintay ang pagdating ng karagdagang tropa ng national guard.
Panibagong hakbang ito ni US President Donald Trump para patigilin ang mga kilos-protesta sa mga lansangan na dulot ng kanyang agresibong Immigration Policies.
Ngayon ang ika-apat na sunod na araw ng mga pagkilos sa Los Angeles, kung saan daan-daang mga demonstrador ang nagtipon-tipon sa labas ng isang Federal Detention Center, kung saan ikinulong ang mga immigrant.
Idinemanda ng California ang Trump Administration para harangin ang deployment ng national guard at marines, sa dahilang labag ito sa Federal Law at State Sovereignty.