NAKAPAGTALA ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng apatnapu’t anim na kaso ng monkeypox (Mpox), as of June 8.
Ayon sa Ministry of Health (MOH), mula sa 46 cases, walo ang positive, 31 ang suspected, at pito ang probable.
ALSO READ:
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
Walo sa mga pasyente ang naka-rekober na habang nagpapagaling pa ang iba.
Wala namang naiulat na mga nasawi sa mga tinamaan ng Mpox.
Hinimok naman ng MOH ang publiko na huwag mag-panic, kasabay ng pagtiyak na nakikipag-ugnayan na sila sa Local Government Units at health agencies upang makontrol ang paglaganap ng sakit.
