LUMOBO sa 17.16 billion dollars ang External Debt Service ng bansa noong 2024, batay sa preliminary data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos ng Central Bank, umakyat ang Debt Servicing External Borrowings ng 15.6% mula sa 14.85 billion dollars noong 2023.
Tumaas ng 15.3% o sa 8.94 billion dollars ang amortization payments noong nakaraang taon mula sa 7.76 billion dollars noong 2023.
Samantala, lumago rin ng 15.9% o sa 8.22 billion dollars ang interest payments mula sa 7.1 billion dollars.