HINDI bababa sa labinsiyam ang patay sa airstrike sa pinaniniwalaang kampo ng mga rebelde sa probinsya ng Guaviare sa Colombia.
Target ng pag-atake ang kalabang paksyon ng FARC Rebel Group, na sangkot sa Drug Trafficking.
Noong una ay atubili ang Left-Wing president ng Colombia na si Gustavo Petro na gumamit ng air strikes para atakihin ang mga kampo ng mga rebelde, subalit kasunod ng pagbagsak ng Peace Talks sa armed groups, at binigyan nito ng go signal ang military offensive.
Isinagawa ang airstrike matapos akusaan ng Trump Administration si Petro na hinahayaang lumawak ang kalakalan ng iligal na droga, na mariing itinanggi ng Colombian president.




