LIGTAS na mula sa red tide ang coastal waters ng Zumarraga Island sa Samar, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Matapos mag-negatibo ang water samples sa naturang katubigan sa mga nakalipas na linggo, hindi na kabilang ang seawater ng Zumarraga Island sa Local at National Shellfish Bulletins.
Grupo ng mga negosyante, humirit na isailalim sa rehabilitasyon ang Calbiga Bridge sa Samar
Pasok sa mga paaralan sa Samar, suspendido dahil sa masamang panahon
Binatilyo na nasa pangangalaga ng ampunan, nalunod sa dagat sa Southern Leyte
DAR, namahagi ng mahigit 2K titulo ng lupa sa Samar at Northern Samar
Gayunman, anim pang mga baybayin ang nananatiling nasa listahan ng red tide affected areas.
Apat sa mga ito ang nasa latest national shellfish bulletin, na kinabibilangan ng Daram Island sa Samar; Irongirong Bay sa Catbalogan City, Samar; Matarinao Bay sa General Macarthur, Quinapondan, Hernani at Salcedo sa Eastern Samar; at Biliran Island sa Biliran Province.
Ang dalawang iba pa na nasa listahan naman ng local shellfish bulletin ay kinabibilangan ng San Pedro Bay sa Basey at coastal waters ng Calbayog City.
