BUMISITA ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas kay Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy.
Ang courtesy call ay pinangunahan ni Assistant Regional Director for Operations Antonio Dolaota, kahapon.
ALSO READ:
Karagdagang Potential Geosites sa Northern Samar, tinukoy ng mga eksperto
DSWD, nagbigay ng 24.8 million pesos na ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Helicopter ng Air Force, nag-emergency landing sa Southern Leyte
Bayan sa Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Tino
Kasama ang team mula sa DSWD Region 8, pinasalamatan n Dolaota ang lokal na pamahalaan sa patuloy na suporta sa mga hakbangin ng ahensya.
Tumutok din ang pulong sa mga nakakasang proyekto ng DSWD ngayong 2025.
Tiniyak naman ni Mayor Mon sa opisyal ng ahensya ang kanyang suporta, sa pamamagitan ng pag-alok ng isang lote sa DSWD Region 8 para pagtayuan ng sub-office sa Calbayog City.
