INAASAHANG mas magiging mabilis ang Traslacion ngayong taon kumpara noong nakaraang taon, lalo na kung tatalima ang mga deboto sa kautusan na huwag sumampa sa andas na magdadala sa Imahen ng Itim na Nazareno, bukas.
Binigyang diin ni Alex Irasga, Technical Advisor sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazarene, na magiging mabilis at maayos ang prusisyon kung disiplinado ang mga deboto.
Cyberlibel ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio, ibinasura ng DOJ
Interpol humihingi pa ng dagdag impormasyon sa request na red notice kay Zaldy Co
Hirit ni Dating Senador Bong Revilla na mailipat siya sa Camp Crame sinopla ng korte
Cong. Edvic Yap nagbitiw bilang kongresista; Cavite Rep. Kiko Barzaga suspendido ulit ng 60-araw
Sinabi ni Irasga na noong nakaraang taon ay umabot lamang ng labinlimang oras ang Traslacion dahil kakaunti ang nakasampa sa andas, hindi gaya sa mga nakalipas o bago mag-pandemic na mahigit isandaan ang naka-akyat.
Idinagdag pa nito na kagaya rin ang ruta noong nakaraang taon na kaya mas kabisado na nila ang mga daraanan ng prusisyon.
