IPINAG-utos ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng 21 billion pesos na Tobacco Excise Taxes sa Local Government Units (LGUs) ng Tobacco-Producing Provinces.
Ang alokasyon ay ibinase sa Actual 2023 Collections na sinertipikahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa Shares ng LGUs.
ALSO READ:
Nabatid na i-cha-charge ang pondo sa 2025 General Appropriations Act (GAA).
Ang 21 billion pesos ay binubuo ng 17 billion mula sa Locally Manufactured na Virginia-Type Cigarettes, at 4 billion mula sa burley and Native Tobacco.
Hahatiin ang 17 billion pesos sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra, at La Union.