INUMPISAHAN na ni Nicolas Sarkozy, ang kauna-unahang French ex-president na nabilanggo, ang kanyang limang taong sentensya bunsod ng pakikipagsabwatan para pondohan ang kanyang Election Campaign, gamit ang perang mula kay yumaong Libyan Dictator Muammar Gaddafi.
Una nang iniapela ni Sarkozy na nagsilbing pangulo mula 2007 hanggang 2012, ang kanyang Jail Term sa La Sante Prison, kung saan maliit na selda ang kanyang ookupahin sa Isolation Wing.
Pinatalsik na prime minister ng Bangladesh, sinentensyahan ng kamatayan bunsod ng pagsawata sa mga estudyante
11 patay, 12 nawawala kasunod ng landslide sa Central Java sa Indonesia
Mga Pinoy sa Northern Japan pinag-iingat sa wild bear attacks
Colombian Military, binomba ang hinihinalang kampo ng mga rebelde; 19, patay!
Mahigit isandaang katao ang pumalakpak at isinigaw ang pangalan ng dating French president nang lumabas ito ng kanyang Villa sa Exclusive 16th District ng Paris, habang hawak ang kamay ng kanyang asawa na si Carla Bruni-Sarkozy.
Ipinasok ang pitumpung taong gulang na si Sarkozy sa siksikang 19th-Century Prison sa Montparnasse District South ng River Seine, habang nakakalat ang mga pulis sa iba’t ibang bahagi ng nakapaligid na kalsada.
