BUMABA ang Budget Deficit ng National Government noong Setyembre, dahil sa pagbagsak ng Government Expenditures.
Batay sa Latest Data mula sa Bureau of Treasury, nakapagtala ang Marcos Administration ng Budget Shortfall na 248.1 billion pesos noong ika-siyam na buwan.
ALSO READ:
Mas mababa ito ng 9.2 percent kumpara sa 273. 3 billion pesos na naitalang Deficit noong Sept. 2024.
Halos tatlong beses naman ito na mas malaki kumpara sa 84.8 billion pesos na nai-record noong Agosto.
Nagkakaroon ng Budget Deficit kapag lumagpas sa Revenue Collections ang Government Expenditures, na ang ibig sabihin ay mas malaki ang ginastos ng gobyerno kumpara sa kinita nito.




