GAME na nakisayaw si US President Donald Trump sa mga performer na kabilang sa sumalubong sa kaniya pagdating niya ng Kuala Lumpur International Airport para sa 47th ASEAN Summit and Related Summits.
Dumating si Trump sa Malaysia sakay ng Air Force One araw ng Linggo, Oct. 26 kung saan sinalubong siya ni Malaysia Prime Minister Anwar Ibrahim.
ALSO READ:
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
Ayon sa White House, pagdating sa Malaysia ay sinaksihan ni Trump ang paglagda ng Peace Pact sa pagitan ng Cambodia at Thailand.
Nagkaroon din ng Bilateral Meeting at Signing sa pagitan ni Trump at ng Malaysian prime minister.
At pinangunahan din ng US president ang Working Session kasama ang ASEAN leaders.
