BUMABA ang Balance of Payments (BOP) Deficit ng Pilipinas noong Nobyembre, sa gitna ng tumaas na Remittance Inflows dahil sa holidays.
Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumiit sa 225 million dollars ang BOP Deficit noong nakaraang buwan mula sa 2.276-billion dollar gap na naitala noong November 2024.
ALSO READ:
Gayunman, kumpara noong Oktubre, kabaliktaran ito sa naitalang 706 million dollars na Surplus.
Ito ang kauna-unahan sa loob ng apat na buwan na bumagsak ang BOP position ng bansa sa Deficit mula nang maitala ang 167 million dollars na gap noong Hulyo.




