NAHIGITAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang target na Excise Tax Collection sa unang buwan ng taon, dahil sa tobacco products.
Ayon sa BIR, umabot sa 193.65 billion pesos ang nakolektang Excise Tax mula Enero hanggang Hulyo, na mas mataas ng 2.19 percent sa kanilang Target.
ALSO READ:
Ang kabuuang pitong buwan na koleksyon ng Excise Tax ay mas mataas din ng 15.10 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Inihayag ng BIR na ang koleksyon hanggang noong katapusan ng Hulyo ay katumbas ng 56 percent ng Full-Year Excise Tax Target na 343.10 billion pesos.
Ang Excise Taxes ay ipinapataw sa Production, Sale o Consumption ng Commodities, gaya ng Tobacco, Alcohol, at Non-Essential Goods.