LIMANG indibidwal ang nasawi habang pitong iba pa ang malubhang nasugatan sa pamamaril ng Palestinian gunmen sa Jerusalem.
Ayon sa mga pulis at paramedics, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng tatlong lalaking nasa trenta ang edad, at isang babae at isang lalaki na kapwa nasa singkwenta anyos.
ALSO READ:
Dating energy minister ng Ukraine, ikinulong matapos magtangkang lumabas ng bansa
Pag-iwas sa hateful words best fasting sa Lenten Season – Pope Leo
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Siyam katao naman na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang dinala sa ospital, kabilang ang tatlong iba pa na nasugatan dahil sa mga basag na salamin.
Sinabi ng Israeli police na dalawang terorista ang dumating lulan ng sasakyan saka walang habas na nagpaputok ng baril patungo sa Bus Stop sa Ramot Junction.
Isang security officer at isang sibilyan naman ang gumanti ng putok at na-neutralised ang mga umatake.
