Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang umiiral na import ban sa mga produktong hayop sa Germany matapos ang naging deklarasyon ng European Union na ligtas na sa foot-and-mouth disease (FMD) ang nasabing bansa.
Ipinataw ng DA ang temporary ban noong Pebrero matapos ireport ng Germany ang mga kumpirmadong kaso ng FMD sa kanilang mga alagang buffaloes sa Hoppegarten, na matatagpuan sa distrito ng Markisch-Oderland, Brandenburg.
Ang abiso ay isinumite sa World Organization for Animal Health (WOAH) noong Enero.
Airline Companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong Flight Updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Pangunahing tinatamaan ng FMD ay mga baka subalit maari ding mahawa ang mga baboy, kambing, tupa at iba pang cloven-hoofed animals.
Ang nabanggit na sakit na madalang makahawa sa tao ay nagtataglay ng mataas na bilang ng pagkamatay lalo na sa mga batang hayop. Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. sa pamamagitan ng memorandum order No. 29 na ang Germany ay maikukunsiderang FMD-free na sa ilalim ng mga panuntunan ng WOAH Terrestial Animal Health Code.