NAKATAKDANG itayo sa Clark, Pampanga ang malaking Agri-Food Complex na magsisilbing pangunahing Trading Center ng mga Agricultural Products sa Northern Luzon.
Lumagda sa kasunduan ang Food Terminal Incorporated ng Department of Agriculture at Clark International Airport Corporation para sa pagtatatag ng 3.6 billion pesos na “Bagsakan ng Bayan Mega Food Hub.”
Ang Food and Agri Hub na itatayo sa 46 Hectares na lupain sa Clark gagamitin para sa Wholesale Trading, Food Storage, Processing, Logistics, at Agri-Tourism Facilities.
Bahagi din ng itatayong Food Hub ang pagkakaroon ng Halal-Certified Zone.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. layunin ng pagtatayo ng Food Hub na masiguro ang matatag na merkado at pangmatagalang seguridad sa pagkain.




