PINAYAGAN ang mga team mula sa Egypt at International Committee of the Red Cross (ICRC) na tumulong sa paghahanap sa bangkay ng mga nasawing hostage sa Gaza.
Ayon sa Israeli Government, binigyan ng permiso ang mga team na maghanap sa labas ng tinawag na “Yellow Line” sa lugar na kontrolado ng Israel Defense Forces (IDF).
Pinatalsik na prime minister ng Bangladesh, sinentensyahan ng kamatayan bunsod ng pagsawata sa mga estudyante
11 patay, 12 nawawala kasunod ng landslide sa Central Java sa Indonesia
Mga Pinoy sa Northern Japan pinag-iingat sa wild bear attacks
Colombian Military, binomba ang hinihinalang kampo ng mga rebelde; 19, patay!
Sa Report ng Israeli Media, pinayagan din ang Hamas members na pumasok sa IDF-Controlled Area sa Gaza para tumulong sa paghahanap, kasama ang ICRC teams.
Itinurnover ng Hamas ang labinlima mula sa dalawampu’t walong nasawing Israeli hostages sa ilalim ng First Phase ng US-Brokered Ceasefire Deal, kung saan obligado ang grupo na ibalik ang lahat ng labi ng mga bihag.
Inihayag ng Hamas na nakikipag-coordinate din sila sa Egyptian Authorities.
