22 December 2025
Calbayog City
National

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

PAMUMUNONG Nariyan Kapag Kailangan

Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. sa United Candelaria Doctors Hospital sa Quezon upang personal na kamustahin ang mga sugatang pulis at magbigay ng huling paggalang sa isang kasamahang nasawi sa tungkulin.

Sa gitna ng mabigat na sitwasyon, pinili niyang personal na makiramay sa kanyang mga tauhan at kanilang pamilya.

Isinagawa ang pagbisita matapos ang armadong engkuwentro noong gabi ng Disyembre 19, 2025 sa Barangay Road malapit sa Sitio Pulyok, Barangay San Isidro, Candelaria, Quezon. Habang nagsasagawa ng mobile patrol, nakasalubong ng mga pulis ang ilang armadong indibidwal sa may taniman ng saging.

Isa sa mga suspek ang nagpaputok ng baril, dahilan upang ipagtanggol ng mga pulis ang kanilang sarili.

Dalawa ang nasugatan at isa ang nasawi sa insidente.

Pag-aarugang Ramdam ang Tunay na Malasakit

Sa ospital, personal na iginawad ng Acting PNP Chief ang Medalya ng Sugatang Magiting at Medalya ng Kadakilaan sa mga sugatang pulis bilang pagkilala sa kanilang katapangan at sakripisyo.

Tiniyak din niya na agad na naibigay ang tulong-pinansyal upang makatulong sa kanilang gamutan at paggaling.

Ang mga hakbang na ito ay sumasalamin sa isang pamumunong hindi lang nakikita sa mga talumpati, kundi nararamdaman sa mga sandaling pinakamabigat ang pinagdaraanan ng mga tauhan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).