ISINIWALAT ni Pauleen Luna na sumailalim ang kanyang mister na si Vic Sotto sa Cataract Extraction Procedure.
Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Pauleen ang surgery ng TV host habang ipinakita ang check-up appointment sa kanilang family doctor.
ALSO READ:
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Ayon sa Mayo Clinic, ang cataract surgery ay isang procedure para alisin ang lente ng mata, at karaniwan ay pinapalitan ng artificial lens.
Bagaman hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Pauleen sa medical procedure ni Vic, tila maayos ang recovery ng TV host dahil nagampanan nito ang hosting duties sa noon time show na “Eat Bulaga!” noong Sabado.
