NATAPOS na ng Department of Health sa Eastern Visayas (DOH-8) ang kanilang taunang hospital rounds at inspeksyon sa mga piling pasilidad sa Tacloban City at sa Palo, Leyte, bilang bahagi ng kanilang ligtas Christmas campaign.
Sa pangunguna ng Executive Committee ng DOH Region 8, sa pakikipagtulungan ng Health Emergency Management Services Unit, Regional Epidemiology and Surveillance Unit, at Health Promotion Unit, in-assess ang kahandaan ng mga pangunahing regional hospitals sa pagtugon sa emergencies sa Christmas at New Year holidays.
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Calbayog City Mayor Monmon Uy, bumisita sa Marikina City para sa benchmarking activity
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Kabilang sa mga binisitang ospital ang Eastern Visayas, Medical Center, Divine Word Hospital, Mother of Mercy Hospital, Remedios Trinidad Romualdez Hospital, Shalom Hospital, Governor Benjamin T. Romualdez General Hospital and Schistosomiasis Center, Leyte Provincial Hospital, Tacloban City Hospital at Ace Medical Center.
Layunin ng Ligtas Christmas Campaign na paigtingin ng mga ospital ang kanilang kahandaan para sa karaniwang holiday related emergencies, partikular ang firecracker-related injuries at road traffic accidents, na tumataas tuwing yuletide season.
Saklaw din ng monitoring ang paghahanda para sa mga kondisyon, gaya ng atake sa puso, stroke at asthma attacks.
