LABINLIMANG indibidwal ang nasawi makaraang madiskaril ang 140-year-old Gloria Funicular, isang Major Tourist Attraction sa Lisbon na kabisera ng Portugal.
Ayon sa Emergency Services, labing walong iba pa ang dinala sa ospital, kabilang ang limang nasa seryosong kondisyon.
ALSO READ:
Israel, muling umatake sa Gaza matapos akusahan ang Hamas na lumabag sa Ceasefire; 20 katao, patay!
Lithuania, isinara ang Border sa Belarus kasunod ng paglabag sa kanilang Airspace
Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza
US President Donald Trump, nakisayaw sa mga performer nang dumating sa Kuala Lumpur
Kabilang sa mga binawian ng buhay sa nadiskaril na Funicular Railway ay mga dayuhan, bagaman hindi pa makumpirma ng mga awtoridad ang mga bansa na kanilang pinagmulan.
Nagpaabot ng pakikiramay si Portuguese President Marcelo Rebelo De Sousa sa mga naulilang pamilya dahil sa trahedya, kasabay ng pagdedeklara ng National Day of Mourning sa naturang bansa.
